Sunshine Cruz, nagpapagaling sa COVID?

[by Athena Yap]

Tila nagpapahiwatig ang aktres na si Sunshine Cruz sa kanyang Instagram na nagpapagaling siya mula sa COVID19.

Hindi man malinaw kung siya ba ay nag-positibo, pero ayon sa mga post ng aktres ay nag-isolate muna siya ng 16 na araw upang pagbutihin ang kanyang kalusugan na palagay ng nakararami ay maaring nakararamdam ang aktres ng sintomas ng nasabing sakit.

Ilang araw na magkakasunod na nagpo-post si Sunshine na siya ay kasalukuyang naka-self quarantine at namimiss na raw niya ang kanyang mga anak.

Advertisement

Karaniwang ginagawa kasi ng mga infected sa COVID19 ang pag-isolate upang ‘di makahawa, kaya naman ito ang unang pumasok sa isip ng mga netizen kapag nakikita o nababasa ang mga post ni Sunshine.

“16/14 Patience is definitely a virtue. It is already a blessing that I am just isolated in the comfort of my home (most are confined in hospitals or Kalinga centers),” sabi ng aktres sa kanyang selfie post kung saan makikitang naka-higa siya sa kama na naka-pajama.

“I may not see the kids but hearing and chatting over the phone with them makes me look forward to seeing and hugging theses princesses of mine once again,” dagdag pa ng aktres.

Bumuhos din ang comments na magpagaling na siya mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz industry at mga fan.

“Get well soon mama shine (hearts) hugs!” pagbati ni Kim Chiu.

“I love you” lambing naman ni Momshie Karla. #DM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.