4 “major bridges” sa probinsya ng South Cotabato pinalawak ng DPWH XII

Read Time:1 Minute, 28 Second

[by RASHID RH. BAJO]

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

SOUTH COTABATO, Philippines [R12] –– Apat na pangunahing mga tulay [major bridges] sa munisipyo ng Tantangan sa probinsya ng South Cotabato ang pinalawak ng Department of Public Works and Highways [DPWH] sa Rehiyon Dose [Region 12].

Ayon sa report na pinoste ng nasabing ahensya sa kanyang opisyal na Facebook page, sinabi ni DPWH XII Regional Director Bashir M. Ibrahim na ang layunin ng mga proyektong pagpapalawak ng mga tulay ay paluwagin ang trapiko at bigyan ng akomodasyon ang daloy at ang dami ng ibat–ibang uri ng mga sasakyan na bumibiyahe papunta sa “regional center” ng South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City [SOCCSKSARGEN], or mas kilala sa tawag na Rehiyon Dose.

Advertisement

Ang bayan ng Tantangan ay kapitbahay ng Koronadal City, kung saan kilala na sentro ng komersyo ng Rehiyon Dose. Tanyag din ang nasabing munisipyo sa malawak nitong mga palayan.    

Ayon report ng DPWH XII, ang konstruksyon ng nasabing “bridge widening projects” ay “will complement the six–lane Midsayap–Marbel road section along the landlocked municipality.”

Batay sa report na isinumite ni South Cotabato 2nd District Engineering Office [SoCot2DEO] District Engineer Hadji Khalil D. Sultan sa regional office ng DPWH XII, sinabi nito na ang nasabing pinalawak na mga tulay ay matatagpuan sa kahabaan ng mga barangay ng Dumadalig, Luayan, Tantangan at San Felipe.

Mula sa “four–lane” naging “six lanes” ito.

Ayon sa report ng DPWH XII, ang nasabing “bridge widening projects” na may haba na “61 lineal meters” ay nagkakahalaga ng P59.7–Milyon na pinodohan sa ilalim ng FY 2020 DPWH Infrastructure Program.

Kasama sa konstruksyon ng nasabing mga proyekto ay ang paggawa ng sidewalk, painted railings, solar studs at solar street lights. [Photo: DPWH XII]

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post SEC allows e-signatures for financial statements submitted through OST
Next post Non-Working Holiday sa Cebu City ngayong Abril 14

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: