
Hepe ng district hospital sa Buluan, Maguindanao nagpabakuna sa harap ng publiko
[RASHID RH. BAJO with reports from Abdul Campua]

BULUAN, Maguindanao [BARMM] ––Boluntaryong nagpabakuna sa publiko ang hepe ng Buluan District Hospital na si Dr. Rizaldy L. Piang upang ipakita ang suporta nito sa “vaccination program” ng gobyerno at ipaalam sa mga tao na walang dapat ikatakot sa bakuna.
Makikita sa larawan na nakangiti pa si Dr. Piang habang inihahanda ang bakuna para sa kanya.
Naganap ang pagpapabakuna ni Dr. Piang matapos ang turn–over ceremony ng “Sinovac Vaccines” para sa mga health worker ng Buluan District Hospital.
Ang nasabing pagbakuna kay Dr. Piang ay personal na pinangasiwan ni IPHO–Maguindanao Provincial Health Officer Dr. Elizabeth A. Samama.
Ayon kay Dr. Samama, si Dr. Piang ang unang nabakunahan at pagkatapos ng ilang mga minuto, nagpabakuna na rin ang mga frontliner at mga health worker ng Buluan District Hospital.
Ayon sa report, masaya si Dr. Piang sa pagpabakuna nito dahil alam nitong makakabuti ito para sa kanyang sarili.
Sa kasalukuyan, hinihikayat ng gobyerno ang lahat na magpabakuna at iginigiit nito na walang dapat ikatakot mga tao sa bakuna dahil ito ay makakatulong sa kanila para makaiwas sila sa nakakamatay na COVID-19.
Ayon sa report, hinihintay pa ng gobyerno ang binili nitong mga bakuna sa labas ng bansa para masimulan nito ang pagbakuna sa mga taong prayoridad ng gobyerno na bakunahan. (Photo: IPHO–Maguindanao)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Isang Baldadong lalaki sa Naic Cavite, nananawagan ng Tulong Medikal dahil sa kanyang Kondisyon
Ni Rex Molines NAIC, CAVITE: Nananawagan ngayon ng tulong ang isang concern citizen para sa kanilang kapitbahay na si sir...
KINSENG BAKA, MAAGANG NAMAMASKO SA KALSADA?
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Agaw eksena sa mga tao ang labing-limang baka na tila namamasko sa kalsada. [gallery columns="2"...
Igorot Stone Kingdom, Ipinasasara ng Alkalde ng Baguo City
BAGUIO CITY --- Iniutos ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong nitong Martes [November 9], ang pagpapasara ng man-made attraction na...
JRP CARES NAMAHAGI NG TULONG SA NASALANTANG BAHA SA CAVITE
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Namahagi kahapon ng relief packs ang grupo ng JRP Cares sa bayan ng Rosario at...
Mga Ganap sa Ika-3 Araw ng Nobyembre sa Rosario, Cavite
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Sa ika-3 araw ng buwan ng Nobyembre sa maalamat na bayan ng Rosario ay nilikha...
Mga miyembro ng PNP, kahit pagod na tuloy pa rin dahil kailangan
by Ramil Bajo, Oct. 30, 2022 BARMM --- Sila ang ating kapulisan, kahit pagod na sila tuloy pa rin dahil...