Academic ease hindi Academic break – DepEd

Nagbigay pahayag ang Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education) nitong Martes [Abril 13] na hindi kailangang magkaroon ng academic break kundi academic ease sakabila nang pandemya sa bansa.

Aniya, mas makabubuti raw ang academic ease kaysa academic break bunsod ito ng panawagan din ng ilang mga mag-aaral na nahihirapan sa pagkatuto dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.

“Palaging sinasabi po na academic break, ‘yan ay panawagan ng mga kabataan pero tayo po sa Kagawaran ng Edukasyon ay meron din tayong sinasabing  academic ease,” saad ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio sa Laging Handa briefing.

“‘Di naman kailangan itigil ang pag-aaral. Ang kailangan po e mas maging considerate sa mga sitwasyon ng bawat bata,” dagdag pa ng Kalihim.

Advertisement

Aniya, hindi rin dahilan ang kawalan ng access ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga teknolohiya sa ganitong klasipikasyon ng pagkatuto, mayroon namang inilaan ang DepEd na mga printed materials o printed self-learning modules na maaring magamit.

“Nauunawaan natin na masyadong mapanghamon ang mga ginagawa at ‘yung iba ay nagsasabi na masyadong overloaded ang mga kailangan isumite ng mga bata. Kaya ang pinapakiusap po natin at base sa nailabas na guidelines ay huwag masyadong mahigpit sa mga deadlines,” anang kalihim.

Nagbigay pahayag din si Senator Sherwin Gatchalian na dapat ay magkaroon daw ng academic break at ito ay dapat pagdesisyunan ng mga institusyon mula sa basic and higher education.

Samantala, nananatiling suspendido ang mga klase sa mga Kolehiyo at Unibersidad sa NCR Plus bubble dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Ilan sa mga suspendido na paaralan ay ang University of Santo Tomas, De La Salle University, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, at Cavite State University. #DM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.