Ate Gay tinulungan makalabas ng ospital ng Beks Batallon, Vice Ganda

Read Time:1 Minute, 15 Second

[by Athena Yap]

Kasalukuyang naka-confine ngayon ang komedyante na si Gil Morales o mas kilala bilang “Ate Gay.”

March 25 nang makaramdam umano si ate Gay ng malubhang panghihina kung saan kinailangan na siyang magpa-ospital. Matapos niyang sumailalim sa maraming test, nadiskubre na siya ay may pneumonia at mataas na blood sugar kaya naman kailangan na siyang i-confine.

Samantala, patuloy ang pagpapagaling ngayon ng komedyante at may mga lumalabas din sa social media na ilang mga retraro niya na mas bumuti na ang pakiramdam niya kumpara sa mga naunang upload noon na halos parang lantang gulay ang histura ni Ate Gay, pero ngayon naman ay mas maaliwalas na ang hitsura niya ayon sa mga kumakalat na retratro niya sa social media.

Marami rin sa kanyang mga kapwa komedyante na buong puso na nag-abot ng tulong para kay Ate Gay gaya nina Paolo Ballesteros na unang nag bigay na sinundan naman ni John Santos, Vice Ganda at ngayon naman ang grupong Beks Batallon.

Ayon pa sa pinaka-huling update ay lalabas na raw siya ng ospital bukas.

“Taray ng Beks Batallon, may pahabol (clapping hands) lalabas na ako bukas” sambit pa niya.

Sa ngayon ay patuloy din ang panawagan ng kanyang pamilya para ipagdasal si Ate Gay.

Si Ate Gay ay kilala bilang impersonator ng beteranang aktres na si Nora Aunor at binansagan din siyang “Queen of Mash-ups” dahil sa mabebenta niyang paghahalo ng lyrics ng iba’t ibang kanta. #DM

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post TIMPALAK JACINTO SA SANAYSAY 2021, Bukás na
Next post HABANG UMIIRAL ANG MECQ, WALANG PUTULAN NG TUBIG AT KURYENTE
%d bloggers like this: