
dswd, amino sa Magbagal na pamamahagi ng cash aid
[by Rex Molines]

AMINADO ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang pamamahagi ng emergency aid sa mga maralitang pamilya sa National Capital Region ay mabagal.
Sinabi ni DSWD Secretary Ronaldo Bautista na halos 8% porsyento o higit P1.75 bilyon ang naipamahagi na nila.
Ang nasabing emergency aid o cash assistance ay ipamamahagi sa mga lubos na naapektuhan ng enhanced community quarantine sa NCR Plus; Metro Manila at ang mga karatig probinsya.
Nagbigay pahayag si Bautista sa public address ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes [Abril 13] na ang distribusyon ng cash aid ay nagkaroon ng mabagal na simula.
Aniya, halos 1.7 milyong benepisaryo sa Metro Manila at apat na probinsya ang tumanggap na ng tulong noong Abril 11.
“Makikita po natin dito na talagang may slow start. But as [we] experienced last year, start po, talagang mabagal. After four to five days, doon na po nag-start ng pag-distribute ng special assistance,” aniya ni Bautista.
Base sa datos na inilabas ng DSWD, ang malaking bilang ng mga benepisaryo para sa 1.57 million ay mula sa Metro Manila. Mayroon namang 95,197 recipients sa Rizal; Laguna 28,564; at sa Bulacan naman ay 24,015.
Siniguro naman ng ahensya na ang inilaan na pondo ay naipamahagi na sa bawat lokal na pamahalaan. Aniya, ang kanilang departamento ay mayroong naka “standby fund” na P529.6 million.
Sa paliwanag ni Pangulong Duterte sa kanyang public address mula ng ibalik ang ECQ sa NCR Plus bubble ay makatatanggap ng P1,000-in-kind or cash assistance sa bawat indibidwal na apektado ng two-week ECQ. Habang ang mga maralitang pamilya naman ay makatatanggap ng P4,000.
Ang kabuuang pondo na P22.9 billion ay inilaan para sa naturang programa ng gobyerno sa pagtugon ng nagpapatuloy na pandemya sa bansa. #DM
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Maharlika Investment Fund? It’s about Time or Not?
House Speaker Martin Romualdez — Marcos’ cousin — filed House Bill 6398 that seeks to establish what would be known as...
US Vice President Harris, nasa ‘Pinas
MANILA, Philippines -- Dumating sa Pilipinas si US Vice President Kamala Harris nitong Linggo ng gabi mula Bangkok, Thailand. Makikipagpulong...
Marcos, inaasahang matatalakay ang Food Security and Energy sa APEC Summit 2022
BANGKOK, Thailand -- Lumapag na nitong Miyerkules ng gabi [November 16] si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Thailand kung...
Marcos, hinimok ang US na gamitin ang global influence sa pagpigil na pagtaas ng presyo ng gasolina
Hinimok ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Estados Unidos nitong Sabado, Nobyembre 12, na gamitin ang kanilang pandaigdigang...
‘Pinas at Vietnam, nagkasundo na palakasin ang intel sharing sa gitna nang territorial claims sa karagatan
COMBODIA -- Nagkasundo si Panguong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh nitong Huwebes [November 10],...
Climate Change and the Impact to Economy (Part 2)
by Rick Daligdig [Part 2] Every time we experience ferocious typhoons or other calamities we only know about the...