HABANG UMIIRAL ANG MECQ, WALANG PUTULAN NG TUBIG AT KURYENTE

WALANG PUTULAN ng kuryente at tubig habang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR Plus bubble kung saan sakop ang buong Metro Manila at apat na karatig probinsya; Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.

Ayon sa nakalap na impormasyon, sinabi ng Meralco na tuloy naman ang suspencion ng disconnection activities sa mag nasasakupan nila hanggang katapusan ng buwan ng Abril, kung saan ang huling araw na iiral ang MECQ.

“We hope this extension will help lessen the burden of our customers and provide enough relief and time for them to settle their bills,” pahayag ni Meralco Chief Commercial Officer Ferdinand Geluz.

Inatasan naman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office ang Manila Water at Maynilad na itigil muna ang pagpuputol ng sersbiyo ng tubig hanggang katapusan ng Abril.

Matatandaan na inihinto pansamantala ng Meralco at ng dalawang malalaking water concessionaires ang pamumutol ng serbisyo sa kani-kanilang mga consumer na hindi nakabayad ng bill noong nakaraang buwan mula nang isailalim sa mas pinaigting na enhanced community quarantine (ECQ) ang buong NCR at apat na kalapit probinsya. #DM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.