Kilalang “philanthropist” sa Tacurong City “certified bakunado” na

Read Time:1 Minute, 4 Second

[by Rashid RH. Bajo]

TACURONG CITY — Maraming prominenteng mga tao sa rehiyon ng Central Mindanao ngayon ang humihikayat sa mga tao na magpabakuna para masiguro ang kaligtasan nila laban sa nakamamatay na sakit na COVID-19, kung saan patuloy pa ring problema ng gobyerno sa ngayon dahil patuloy pa rin itong nananalasa sa mahigit 100 milyon na populasyon ng Pilipinas.

Ang isa sa kanila ay isang kilalang “ophthalmologist”  at “philanthropist” sa probinsya ng Sultan Kudarat na si Dr. Dante “Doc Dante” Tamondong Eugenio.

“I just recently vaccinated,” sabi ni Doc Dante sa kanyang mensahe na pinoste nito sa kanyang Facebook account.

Advertisement

Ayon kay Doc Dante, walang dapat ikabahala ang mga tao sa bakuna dahil kahit siya mismo na isang “cancer patient” ay nagpabakuna laban sa COVID-19.

Si Doc Dante ay dumaan sa “chemotherapy” na uri ng paggamot para sa mga taong may kanser.

“I feel great. Wala naman po akong naramdaman na kung ano,” giit in Doc Dante.

Kinonsidera ni Doc Dante ang “vaccination” na “very beneficial” para sa mga residente ng Tacurong City at sa lahat ng mga mamamayan.

Hinihikayat nito ang mga tao na huwag matakot sa bakuna kontra sa COVID-19 dahil makakabuti ito para sa kanila.

“Tara na magpabakuna na po kayo,” sabi ni Doc Dante. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post READI–BARMM namahagi ng “food packs” sa 1,900 na mga pamilyang–Muslim na nag–aayuno sa sa North Cotabato
Next post Chiara Zambrano, hinangaan ng mga celebrities, netizens, journalists sa matapang nitong pag-uulat sa Ayungin Shoal
%d bloggers like this: