READI–BARMM namahagi ng “food packs” sa 1,900 na mga pamilyang–Muslim na nag–aayuno sa sa North Cotabato

[by Rashid RH. Bajo]

NORTH COTABATO, Philippines –– Umabot sa 1,900 na mga pamilyang–Moro na nag–ayuno mula sa apat na mga barangay sa bayan ng Pigcawayan sa probinsyang ito ang nakatanggap ng “food packs” mula sa regional government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao [BARMM], ayon sa report na pinoste ng Arangkada Balita ngayong–araw.

Ang Arangkada Balita ay isang social media news platform na nakabase sa BARMM at may mahigit 33,000 na “followers.”

Ang nasabing pamamahagi ng food packs ay bahagi ng “humanitarian mission” ng BARMM para sa mga “constituents” nito na nag–aayuno ngayong buwan ng Ramadan. May ilang mga “Moro–dominated barangays” sa probinsya ng North Cotabato ang bahagi ng BARMM.    

Ang pamamahagi ng nasabing tulong ay pinangungunahan at isinasagawa ng “contingent” ng Rapid Emergency Action on Disaster Incidence [READI]–BARMM na nasa ilalim ng pamamahala ni Atty. Naguib Sinarimbo, kung saan ay siya ring sekretaryo ng Ministry of Local Government ng BARMM.

Noong araw ng Martes [April 13, 2021], umabot sa 1,900 na mga pamilya mula sa mga barangay ng Balacayon, Lower Baguer, Datu Binasing at Simsiman sa bayan ng Pigcawayan ang nabiyayaan ng food packs.

Bawat food pack ay naglalaman ng sampung–kilo ng bigas at mga de–lata, ayon sa Arangkada Balita. Kada pamilya ay isang food pack ang ibinibigay.

Ngayong–buwan ng Ramadan, bawat Muslim ay obligadong mag–ayuno, maliban sa mga maysakit at yung mga walang kakayahang mag–ayuno. (Photo: Arangkada Balita)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.