AiAi naghubad sa vlog?

[by Athena Yap]

image: screencap from Ms. Ai Ai’s vlog channel courtesy GMA News Online


Kalat ngayon sa social media ang confident na pagbabalandra ng komedyante na si AiAi Delas Alas ng kanyang katawan sa kanyang nakaraang vlog.

Para sa kanyang kauna-unahang episode ng CHIN o tinatawag niyang “Cooking in the House ng Ina Niyo,” naisipan ng aktres na gawing pakulo ang i-pares ang kanyang awra sa kanyang lulutuin.

Base sa kanyang vlog, maghahanda siya ng 2pc buttermilk chicken para sa kanyang mga audience kaya naman sinadya aniya ng aktres na magsuot ng two piece swimsuit habang tinuturo ang steps kung paano gumawa ng nasabing ulam.

Sa unang bahagi ng kanyang vlog ay makikitang naka-balot pa siya ng tuwalya at habang ipinapaliwanag ang kanyang lulutuin para sa araw na iyon ay bigla niyang hinubad ang tuwalyang suot.

“Natawa ako sa anak ko napapikit. Hayaan na pampadami ng views,” chika pa ng aktres.

Hindi lang match sa kanyang lulutuin ang kanyang 2pc, dahil maging sa background niya na puro pink ay match ang kanyang suot. Kikay talaga!

Bumenta naman sa mga netizen ang naging pakulo ng komedyante at marami siyang natanggap na papuri mula sa mga fan sa comment section.

“Hahahaha dami Kong tawa Ms. Ali!!! Mga 400 na tawa hahahaha Sobrang meg enjoy ako sa cooking show na to. Deserve mo ng maraming views tlga. Ehe love you Ms. Ai!!!” ani ng isang fan.

“Pasabog miss A❤❤❤❤” dagdag pa ng isang supporter. #DM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.