NEWS

Comelec sa deped: handang makipagtulungan para sa higher pay sa mga poll workers ngayong 2022 election

[by Rex Molines]

Handang makipagtulungan ang Commission on Elections (Comelec) sa Department of Education (DepEd) tungkol sa kahilingan nitong magbigay ng karagdagang bayad para sa mga teaching and non-teaching personnel bilang mga poll workers sa darating na 2022 elections.

Sa pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez nitong Huwebes, [Abril 15] matapos na magpadala ng liham si DepEd Secretary Leonor Briones na taasan umano ang honoraria para sa mga poll workers sakabila nang patuloy na pandemya sa bansa.

Sa nakalap na impormasyon mula sa GMA News Online, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na, “The Comelec recognizes the invaluable role played by teachers in ensuring the success of elections,”

“Accordingly, the Comelec is willing to work with the DepEd in order to find ways to either accommodate their requests or, in the appropriate instances, to help them achieve the results they seek,” dagdag pa ni Jimenez.

Aniya, nais ng DepEd na makapag-laan ang Comelec ng compensation na P9,000 para sa Chairperson of the Electoral Boards at P8,000 naman para sa board members.

Dagdag pa sa hinaing ng Department of Education Supervisor Official na dapat bayaran ng P7,000 habang ang staff naman ay makakakuha ng P5,000 na bayad.

Hiniling din ng ahensya na bayaran din ang mga poll workers for hazard pay of P500 kada araw at may allowance na P1,000 para sa pagkain at maiinom na tubig, at P2,000 para sa transportation expenses.

Samantala, sinabi rin ng DepEd na ang kanilang mga guro ay dapat lamang magtrabaho ng 8 oras kabilang ang preparasyon at ang post-election activities.

Hiling pa rin ng DepEd na ipagkaloob ang honoraria para sa mga piling member ng Comelec-DepEd Monitoring and Coordination team mula sa central at field offices sa ilalim ng 2022 DepEd Election Task Force. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Comelec sa deped: handang makipagtulungan para sa higher pay sa mga poll workers ngayong 2022 election

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: