COVID-19 PH

DOST HANDANG MAGHINTAY SA karagdagang clinical trials ng vco kontra covid-19

HANDANG maghintay ang Department of Science and Technology (DOST) para sa mga resulta na kanilang pinondohan sa sinasagawang clinical trials ng virgin coconut oil (VCO) bago ito gamitin bilang lunas laban sa SARS-CoV-2, ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Science Secretary Fortunato dela Peña, ang University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) na nagsasagawa ng clinical trials ng VCO ay nakikitaan na may malaking progreso sa kanilang pag-aaral para maging lunas ito kontra COVID-19.

Makatutulong din ang dumaraming COVID-19 cases ngayon sa pagpapalawak ng VCO trials na inaadmit sa mga ospital.

Sinabi pa ni Dela Peña na kanilang hinihimok ang UP-PGH clinical trial team na pabilisin ang kanilang pagsisikap.

Sinabi ni Marco Reyes, presidente ng VCO Philippines, ang DOST-Food and Nutritional Research Institute ay naglabas ng positibong resulta ng pag-aaral na kanilang isinagawa noong nakaraang taon.

Sa pag-aaral ng DOST-FNRI, na naglagay sila ng VCO sa mga pagkain ng 57 suspected and probable COVID-19 cases na na-confined sa Santa Rosa Community Hospital at sa Santa Rosa COVID-19 Quarantine Facility, na nagpakita na ang lahat ay naka-recover at nag negatibo sa naturang virus matapos ang 28-day clinical trial.

Pinangunahan ni DOST-FNRI chief Imelda Agdeppa ang pag-aaral ng VCO sa 57 suspected and probable patient-participants na sumailalim sa naturang pag-aaral. 37 dito ay nagpositibo sa virus.

Aniya, 19 katao dito ay binigyan ng pagkain na may halong VCO, at 18 naman dito ay nabigyan ng pagkain na walang halo ng VCO.

Samantala, kinakailangan pa ng mas maraming clinical trials para magamit na ang VCO sa pagpapagaling laban sa COVID-19.

Matatandaan sa mga nagadaang balita na inaasahan na matatapos na ang clinical trials nito ngayong Hunyo. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “DOST HANDANG MAGHINTAY SA karagdagang clinical trials ng vco kontra covid-19

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: