
BUMALIK na ang mga PUJ’s o public utility jeepneys para muling makapamasada sa Metro Manila, ayon sa pamunuan ng LTFRB kahapon, Biyernes, Abril 16.
Sinabi ni LTFRB executive director Joel Bolano na, “Halos 80% ng traditional PUJ’s [public utility jeepneys] ay naibalik na sa pre-COVID routes.”
Aniya ni Bolano, mahigit 40,000 unit ng traditional jeepneys ang pumapasada na para magsakay muli ng mga commuters sa National Capital Region.
“Nakatugon na po ito sa pangangailangan ng mga pasahero.” dagdag ni Bolano.
Sa datos na ipinakita ng LTFRB ay binuksan na sa 414 traditional jeepney routes na binubuo ng 37,246 na unit. #DM
0 comments on “LTFRB: 80% ng Traditional Jeepneys, Balik-Pasada na sa Metro Manila”