Banner Story

4 Suspek sa Pagbebenta ng giant clams sa palawan, timbog!

[ni Rex B. Molines]

image: Philippine Coast Guard

ARESTADO ang apat na suspek sa pagbebenta ng mahigit 200 tons of fossilized giant clam shell “taklobo” na nagkakahalaga ng P1.2 billion sa Roxas, Palawan.

Sa ikinasang operasyon ng Coast Guard Intelligence Group Palawan, Coast Guard Palawan, Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), Philippine National Police – Intelligence Operatives, at Bantay Dagat Roxas nitong Biyernes (Abril 16), sa Sitio Green Island, Barangay Tumarbong.

Kinilala ang mga suspek na sina, Rey Cuyos, 54, Rodolfo Rabesa, 48, Julius Molejoa, 47, at Erwin Miagao, 40, na kanilang naaresto at lumabag sa Republic Act No. 9147, the Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Sa isang pahayag, sinabi ni Philippine Coast Guard District Palawan Commander Commodore Genito Basilio, na ang pangyayari ito ay itinuturing nila na pinakamaraming nasabat na malalaking clam shell sa Palawan ngayon.

Sinabi pa ng PCG na ang mga naarestong Pilipino ay ibinebenta ang giant clams sa mga foreigner.

“So far the biggest na nahuli namin. Paunti-onti nilang iniipon. Hinuhukay nila doon sa parang may bundok doon sa isla. Hinuhukay nila. ‘Yun iba doon naman mismo sa dagat,” saad ni Commodore Genito Basilio, PGC District Palawan Commander.

“Merong barko na manggagaling Japan or manggagaling China para hakutin itong mga giant, itong mga fossilized giant clams na ito,” dagdag pa niya.

Samantala, itinanggi naman ng mga suspek ang krimen kahit pa na sinabi ng mga otoridad na sila [suspects] ay nahuli sa akto. Agad naman silang dinala sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) para sa inquest proceedings at pormal na maghain ng kaso.

Ayon pa sa PCG na kanilang napipisil na mayroong malaking grupo sa likod ng iligal na pagbebenta ng mga giant clams na dapat ay ating iniingatan at pinapakinabangan sa pagbalanse ng ating kalikasan higit ang karagatan na sakop sa ating bansa. #DM

https://fb.watch/4YZIK51SGe/

0 comments on “4 Suspek sa Pagbebenta ng giant clams sa palawan, timbog!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: