DPWH kinongkreto ang mga daan sa Sarangani bilang suporta sa mga magsasaka at mga organikong–manananim doon

[by Rashid RH. Bajo]

SARANGANI, Philippines –– Kinongkreto ng Department of Public Works and Highways [DPWH] ang ilang mga daanan sa mga bayan ng Alabel, Kiamba at Maitum bilang suporta sa paglago at produksyon ng banana, rubber, pineapple, palm oil at industriya ng “aqua–culture” sa probinsya ng Sarangani.

Ayon sa report na pinoste ng DPWH XII sa opisyal na Facebook page nito, sinabi ni Regional Director Basir M. Ibrahim na ang halaga ng “three concreting projects” sa nasabing mga bayan ay P39.6–Milyon at ipinatupad ito ng DPWH–Sarangani District Engineering Office.

Ang DPWH–Sarangani District Engineering Office ay nasa ilalim ng pamamahala ni District Engineer Jonathan G. Bantug.

Ang nasabing mga proyekto ay ang 575-meter concreting ng Crossing Paraiso-Paraiso Proper Farm-to-Market Road sa bayan ng Alabel; 864-meter concreting ng Purok Saranay hanggang Purok Pag-Asa, Barangay Salakit Farm-to-Market Road sa bayan ng Kiamba at ang 985.5-meter concreting ng Luan-Ticulab-Cafe provincial road sa bayan ng Maitum.

Naniniwala ang DPWH na mahalaga ang papel ng nasabing bagong kongkreto na mga daan sa transportasyon ng mga agrikulturang–produkto mula sa bukid papunta sa sentro ng mga kabayanan.

Dahil sa bagong mga kongkretong–daan, naniniwala rin ang DPWH na lalakas ang “organic production” ng “coconut sugar, virgin coconut oil, cocoa tablea at coffee beans” sa mga kanayonan ng probinsya. [Photo: DPWH XII]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.