Banner Story

MAGINHAWA COMMUNITY PANTRY PANSAMANTALANG ITINIGIL DAHIL SA ‘RED-TAGGING’

PANSAMANATALANG itinigil ang operasyon ng Maginhawa Community Pantry dahil sa diumano’y Red Tagging na nagaganap ngayon sa kanilang organisasyon na makapaglingkod sa mga maliliit nating kababayan na nagugutom bunsod ng kawalan ng trabaho at hanapbuhay dahil sa patuloy na pandemya sa bansa.

Sa ipinoste nitong Lunes ng gabi (Abril 19) ni Ana Patricia Non, ang nagpasimula ng Community Pantry mula sa Quezon City na lumaganap sa buong bansa.

Sinabi ni Patrica na malinis ang kanyang hangarin para makatulong sa mga nakararanas ng gutom sa kanilang komunidad at ito ay isang pamamaraan na naisip nilang gawin at maka-pangalap ng tulong mula sa mga may mabubuting-loob na ipinapadala sa kanila para ipamahagi naman sa lahat.

Base sa kanyang Fb post, nanawagan ngayon si Patricia kay Quezon City Mayor Joy Belmonte para sa kanyang seguridad dahil sa na rin a tatlong pulis na nagtanong sa kanya kung ano’ng organisasyon ang kanyang kinabibilangan at hiningi pa ang kanyang phone number na sya namang ikinabahala ni Patricia.

“Humihingi din po ako ng tulong kay Mayor Joy Belmonte tungkol sa usapin na ito, lalo na po ay [hiningi] po ng tatlong pulis ang number ko at tinanong po kung anong organisasyon ko,” saad ni Patricia sa kanyang Facebook post.

“Natatakot po ako maglakad mag-isa papunta sa community pantry ng alas singko ng umaga dahil po sa walang basehang paratang sa amin. Gusto ko lang po talaga makatulong at sana po ay huwag niyo masamain,” saad muli ni Non.

Ibinahagi rin ni Patricia ang ilang screenshot ng ilang post na na-uugnay sa Community Pantry sa iba’t ibang lugar sa bansa na ang nasa likod ng kanilang organisasyon ay kinabibilangan diumano ng mga komunistang organisayon; ang Communist Party of the Philippines, New People’s Army, at ang National Democratic Front.

Sa kaugnay nito, magkakaroon mamayang ala-1:00 ng hapon ng Presscon via zoom meeting ang Maginhawa Community Pantry para sa mga taga media na handang makinig sa kanilang mga pahayag ukol sa Red Tagging sa Community Pantry. #DM

%d bloggers like this: