NATIONAL

Milyon–milyong Muslim sa Mindanao nagsimula ng mag–ayuno sa buwan ng Ramadhan

[by RAMIL H. BAJO with reports from Abdul Campua]

image: Google photo

SULTAN KUDARAT PROVINCE, Philippines –– Ngayong “Ramadhan,” milyon–milyong mga Muslim sa Mindanao ang kasalukuyang nag–aayuno [fasting] na tatagal ng isang buwan.

Ayon sa report, ang paglabas ng tinatawag na “crescent moon” ay senyales ng simula na ng buwan ng pag–aayuno. Sa mga Muslim, tinatawag nila itong “Month of Ramadhan.”

Ayon sa artikulo na sinulat ni Ms. Rachel Ross na nakaposte sa website [www.livescience.com] ng Live Science, ang Ramadhan ang pinaka–sagrado na buwan sa kultura ng Islam.

“Muslims observe the month of Ramadan, to mark that Allah, or God, gave the first chapters of the Quran to the Prophet Muhammad in 610, according to the Times of India. During Ramadan, Muslims fast, abstain from pleasures and pray to become closer to God. It is also a time for families to gather and celebrate,” sabi ni Ms. Ross sa artikulo nito.

Ang layunin ng pag–aayuno ay dalhin ang puso ng isang nananampalataya (or faithful) kay ALLAH (SWT) at mabigyan ito ng panahon na magsisi at humingi ng kapatawaran sa lahat na mga kamaliang ginawa nito.     

Ang “Ramadhan” ay pagkakataon din para sa mga nananampalataya na isipin nito ang mga “less fortunate” nito na mga kapatid at bigyan sila ng kaukulang atensyon at tulong. Ang buwan ng pag–aayuno ay panahon din upang iwaksi ng isang nananampalataya ang lahat na mga masamang bisyo nito, tulad ng adiksyon sa droga or ang paninigarilyo.

Ayon kay Ms. Ross, sa araw ng pag–ayuno, lahat ng mga Muslim ay “must abstain from eating, drinking, sex, gossip and cursing.” Lahat ng mga nag–aayuno ay hinihikayat na i–sentro ang kanilang “focus” sa pagdadasal, pagbabasa ng Holy Qu’ran at pagtulong sa kapwa.

Lahat naman ng mga bata, mga buntis, mga matatanda at mga nabi–biyahe ay “exempted” sa pag–aayuno.

Ang “fasting” sa buwan ng “Ramadhan” ay isa sa tinatawag na “five obligatory pillars of Islam,” kasama na diyan ang “declaration of fiath, daily prayer, annual charity and hajj pilgrimage in Mecca.”

Karaniwan na sa mga Muslim ang pagbibigay ng “zakat” na mas kilala sa tawag na “annual charity.”

Ang pagbibigay ng libre na mga pagkain sa mga mahihirap ay bahagi ng sinasabing “annual charity” pag panahon ng Ramadhan. 

Ayon kay Ms. Ross ang buwan ng pag–aayuno ay panahon rin ng pamilya at mga kaibigan, kung saan oras ng kainan ay sama–sama ang lahat na nagsasaya.

Dinadaos ng mga Muslim ang pagtatapos ng Ramadhan sa pamamagitan ng pagdaos ng Eid’l Ftr. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Milyon–milyong Muslim sa Mindanao nagsimula ng mag–ayuno sa buwan ng Ramadhan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: