Gabbi Garcia gumawa ng community pantry sa Paranaque

Read Time:1 Minute, 5 Second
image: Gabbi Garcia ♡ (@gabbi) • Instagram photos and videos


Pinangunahan ng GMA actress na si Gabbi Garcia ang pamamahagi ng relief goods sa kanyang mga nasasakupan sa Paranaque City.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Ilan sa mga ipinamigay niya sa community pantry ay mga gulay, bigas, canned goods, ice cream at marami pang iba.

Makikita sa post ng aktres na partikular na para sa mga security guard, tricycle driver, rider at construction worker ang isinagawa niyang community pantry. Ito aniya ay bilang pasasalamat ni Gabbi sa patuloy na pagseserbisyo ng mga nasabing manggagawa sa kabila ng pandemyang patuloy na hinaharap ngayon ng bansa.

“Posting this with nothing but pure and good intentions 🤍 this is to inspire everyone that despite of the situation, we can all help each other in our own little way,” saad pa ng aktres sa kanyang post.

Umani naman ng maraming papuri mula sa mga fan at kapwa artista ang pagkakawang gawa ni Gabbi.Gayunpaman, may ilan na medyo nabahala dahil matatandaang may naunang nagpa-iral ng community pantry noon sa Maginhawa, QC, ngunit pina alis ng mga pulis.

Kaya naman ang hiling ng ilang mga fan ay huwag naman sanang paalisin ng mga pulis ang community pantry ni Gabbi dahil para naman ito sa mabuting dahilan. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Koronadal City nakatanggap ng P158–M na halaga ng mga proyekto dahil sa pagsisikap at inisyatibo ni Congressman Hernandez
Next post SEC ADVISORIES: (1) iWATCH.PH CORPORATION (iWATCH.PH); (2) LEARN and EARN ONLINE, 247 CRYPTOTRADING FX, 247 CRYPTOTRADE ONLINE, EXCHANGESTOCK, BINARY OPTIONS TRADING, and WOLVES OPTIONS; (3) WONKACASH/WONKA CASH APP FINANCIAL CONSULTANCY SERVICES; (4) IX TRADE/IXTRADE; (5) BEYOND GENERATIONS DIGITAL MARKETING SERVICES

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: