Koronadal City nakatanggap ng P158–M na halaga ng mga proyekto dahil sa pagsisikap at inisyatibo ni Congressman Hernandez

[by Rashid RH. Bajo]

KORONADAL CITY, Philippines –– Personal na binisita at sinuri noong Martes [April 20, 2021] ni South Cotabato 2nd District Rep. Atty. Ferdinand “DINAND” Hernandez ang tatlong malaking mga proyekto na napondohan at nailatag sa siyudad na ito dahil sa kanyang pagsisikap at inisyatibo.

Ang nasabing tatlong mga proyekto ay nagkakahalaga ng P158.5–Milyon.  

Kilala sa boung probinsya ng South Cotabato si Congressman Hernandez na isang magaling na kongresista dahil sa dami ng kanyang mga panukalang–batas na naging mga batas na ngayon matapos itong aprobahan ng Kongreso [or House of Representative], kung saan siya ay isa sa mga “Deputy Speaker” nito.

Kilala rin si Congressman Hernandez na isang “performance–based” na lider, kung saan ang panunungkulan nito ay makikita mo sa dami na kanyang mga ginawa [performance], tulad ng paglalatag ng mga proyekto na direktang nakakapagbigay ng mga benepisyo sa mga tao.

Mula ng mahalal ito na kongresista ng ikalawang–distrito ng probinsya, tinatayang aabot sa bilyon–bilyon na ang halaga ng mga proyekto na naipatayo at napondohan dahil sa kanyang pagsisikap at inisyatibo.  

Noong araw ng Martes [April 20, 2021], unang dinalaw at sinuri ni Congressman Hernandez ay ang P101–Milyon “new progressive type gymnasium” para sa siyudad na ito.

Umaasa naman si Congressman Hernandez na sana ang siyudad ay makakuha ng karagdagang–pondo para sa “completion” ng nasabing gymnasium sa ilalim ng liderato ni Mayor Eliordo Ogena.

“Hopefully LGU-Koronadal will be able to source out additional funds for its completion under the leadership of our beloved Mayor Bebot Ogena,” sabi ni Congressman Hernandez sa pinoste nitong mensahe sa kanyang Facebook account.

Sunod na binisita at sinuri nito ay ang proyekto na Chinatown satellite market building sa isang barangay sa siyudad na ito na nagkakahalaga ng P22.5–Milyon.

Ang huling pinuntahan nito na proyekto para tignan at suriin ay ang “City Health Office with elevator” building na nagkakahalaga ng P35–Milyon.

“Ang pasilidad na ito ang tugon sa matagal nang pangarap ng mga Koronadaleños na magkaroon ang ating syudad ng sariling health facility na makapagbibigay ng maganda, mura at accessible na health services sa mga tao,” sabi ni Congressman Hernandez. [Photo credit to Ferdinand Ledesma Hernandez fb]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.