
Tatlong–kilometro na coastal road sa probinsya ng Sarangani ginawang four lanes ng DPWH
[by Rashid RH. Bajo]

SARANGANI, Philippines –– Maginhawa at komportableng biyahe ang nararamdaman ngayon ng mga motorista, kasama na ang drayber ng mga pampublikong–sasakyan, habang dumadaan sila sa “newly–completed coastal road widening project” ng Department of Public Works and Highways [DPWH] sa bayan ng Malapatan sa probinsyang ito.
Kasama sa natutuwa sa nasabing proyekto ng DPWH ay ang mga magsasaka, mga negosyante at ang libo–libong mga turista na pumupunta sa “world–class tourist spots” na matatagpuan sa coastal area ng Sarangani.
Ayon sa regional office ng DPWH XII, gumastos ang gobyerno ng P87–Milyon sa pagpapalawak sa mahigit tatlong–kilometro [3 kilometers] na coastal road sa bayan ng Malapatan.
Mula “two lanes,” naging “four lanes” na ngayon ang nasabing coastal road matapos itong palawakin ng DPWH–Sarangani District Engineering Office na siyang “implementing agency” ng nasabing proyekto.
“The Php 87-Million road widening project which includes drainage structure provides more convenient mobility of people and efficient delivery of agri and fishery-based products notably coconut (copra), corn, banana, beef, bangus, tilapia, tiger prawn, fishponds, mariculture and salt,” sabi ng regional office ng DPWH XII na nakabase sa Koronadal City sa pinoste nitong report sa kanyang opisyal na Facebook account.
Iginiit ng DPWH XII na “In addition to economic advantages, wider road also encourages more tourists to visit and explore beautiful beaches and sceneries in the area.”
Dahil sa pinalawak na coastal road, inaasahan na mas lalaki ang bulto ng mga turista na bibisita sa tourist spots ng Malapatan at mga karatig–bayan nito, tulad ng Glan, kung saan matatagpuan ang sikat na Gumasa white beach.
Ang bayan ng Glan ay isang oras lamang na biyahe mula Malapatan. #DM
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
P40-M, tinurn-over ng DPWH sa ipinagawang gusali ng Phililippine Army
Higit P40.1-milyon ang tinurn-over ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagpapagawa ng two-story multipurpose building sa...
Binondo-Intramuros Bridge, magbubukas na sa Abril
Good news para sa ating mga ka-Motorista! Malapit nang magbukas sa publiko ang Binondo-Intramuros Bridge na pinondohan ng China, ayon...
DPWH builds barangay hall–type multi–purpose building for Barangay Kudanding in Isulan, Sultan Kudarat
[by Ramil Bajo / Photo: DPWH Region XI Facebook post] SULTAN KUDARAT –– An official of a rice–producing Barangay Kudanding...
DPWH naglatag ng two-storey multi-purpose building para sa mga katutubong–tribo sa Maasim, Sarangani
(by RB/PHOTO FROM DPWH REGION XII FB) SARANGANI (Jan. 18, 2022) –– Ipinagmamalaki ngayon ng mga miyembro ng Indigenous People...
“Operation Malasakit” of DPWH goes to Southern Leyte to help typhoon Odette victims
[by Ramil Bajo] NORTHERN SAMAR –– Just like the Department of Public Works and Highways (DPWH) in Region 12, the...
Access road project in T’boli sees to provide faster mobility, additional income to farmers – DPWH-12
KORONADAL CITY, Philippines –– A 3.2835–kilometer long access road constructed and completed by the Department of Public Works and Highways (DPWH) are now delivering more opportunities for residents, farmers and tourism industry in T’boli, South Cotabato.