Julia pinayuhan si Joshua na wag muna mag girlfriend — Boy Abunda

Read Time:1 Minute, 6 Second

[by Athena Yap]

Sa kabila ng pagiging kontrobersyal na hiwalayan ng dating love-team na Joshua at Julia (JoshLia), napanatili ng dalawang Star Magic artist ang kanilang pagkakaibigan.

Napag usapan kasi kamakailan nina Julia at Boy Abunda ang friendship ng aktres sa ex na si Joshua Garcia sa “The Best Talk.” At ayon kay Tito Boy ay nakapag payo pa raw si Julia kay Joshua na huwag na munang mag girlfriend at mag-focus na muna sa career.

“We talked about Joshua. Sabi nya, ‘Alam mo, Tito Boy, yung pagiging magkaibigan namin ni Joshua ngayon is at its best. We’re very very good friends. Ang nakakatawa raw, siya na ngayon ang nagbibigay ng payo kay Joshua, ‘Wag ka na muna mag-girlfriend. Mag-concentrate ka sa trabaho mo.’ Because she sees how passionate and driven is Joshua Garcia as an actor,” kwento ni Tito Boy.

Samantala, nang marinig ito ng mga netizen ay agad bumuhos ang kanilang samu’t saring reaksyon.

“syempre kapag iniwan siya or niya si gerald, joshua is there to save the day,” kuda ng isang netizen.

“para daw may reserba!” dagdag pa ng isa.

Matatandaang pumutok ang issue sa break up ng JoshLia noong kalagitnaan ng taong 2019 at nitong taon lamang nang kumpirmahin naman ni Gerald ang relasyon sa nasabing aktres. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DUTERTE, HINDI DADALO SA ASEAN SUMMIT SA MYANMAR
Next post VICTOR WOOD, PUMANAW NA SA EDAD NA 74
%d bloggers like this: