Libreng KAPE at TINAPAY, bago mag-umpisa nang HANAP-BUHAY (Para sa mga Pedicab Driver)

[ni Sid Luna Samaniego]

Makulimlim na umaga ngayong araw ng linggo. Masarap humigop ng mainit na kape at kumain ng tinapay at itlog.

“Dahil alam naming muli na naman kayong kakayod sa mag-hapong pagpadyak ng inyong sidecar, isang LIBRENG ALMUSAL po ang alay namin sa inyong mga PEDICAB DRIVER,” mensahe ni Akihero Jinzai.

Kakaibang programa ang hatid ng isang pamilya sa Rosario, Cavite para sa mga Pedicab Driver.

Libreng almusal. Mainit na kape, nilagang itlog, at tinapay.

Ito raw ang hatid nila para makatulong sa kahit simpleng paraan para sa mga pedicab driver na lubhang naapektuhan ng pandemya.

“Maraming salamat at may ganitong pagkakataon para sa aming mga pedicab driver. Malaking bagay ito sa ang pag-inom ng mainit na kape. Binubuhay ang pagod kong katawan dulot ng maghapong pagpadyak. Habang ang itlog at tinapay naman ay mayaman sa protina na makakatulong sa pagsigla ng paa at hita kong tila isang makina”, kwento ni Mang Andres Rible.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.