
100 Guwardya at Gasoline-Boy, prayoridad bigyan ng grocery ng isang kabataan sa ROSARIO, CAVITE
[by Sid Luna Samaniego]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Mga bagong bayani sa panahon ng pandemya…

Halos isang-daang gwardya at gasoline boy ang nabigyan ngayon ng libreng grocery ng isang kabataang estudyante mula sa Cavite National High School na si Akihero Jinzai.
Gamit ang tricycle ng kanyang tatay ay pinuntahan nila isa-isa ang lahat ng mga gasoline station at doon ay personal na inabot ang grocery sa mga gasoline boy na naglalaman ng bigas, mga gulay, kape, itlog, asukal, faceshield, at marami pang iba.

















Gayundin ang mga gwardya mula sa iba’t ibang establisimento ay binigyan din ng naturang grocery item.
“Nakikita ko ang hirap at pagod ng mga kuya nating gasoline boy at gwardya, sa umpisa pa lang ng pamdemya ay nandyan na sila. Ginagampanan ang kanilang trabaho upang mapaglingkuran tayong lahat”, paglalahad ni Akihero Jinzai.
“Sila ang itinuturing ko ngayong mga bagong bayani sa panahon ng pandemya. Hindi matatawaran ang kanilang paglilingkod sa bayan”, dagdag pa ni Akihero. #DM