Entertainment

KATHRYN MAHIKA ANG PAG-AALAGA — DANIEL PADILLA

[by Athena Yap]

Sa naganap na advance birthday celebration ng heartthrob actor-singer na si Daniel Padilla sa ASAP Natin ‘To, flinex ng aktor kung gaano ka-alaga sa kanya ang nobya na si Kathryn Bernardo.

Matapos ang kanyang birthday performance, sandaling ininterbyu siya nina Martin Nievera at Regine Velasquez, tinanong siya kung ano’ng hiling niya para sa kanyang kaarawan.

Sagot naman ng aktor na wala na siyang mahiling pa dahil masaya siya sa kanyang buhay.

“Wala na ho akong nais [hilingin pa],” sagot ng tinaguriang Phenomenal King of Hearts.

“Masaya na ho ako sa nangyayari sa akin. At siguro wala na akong [mahihiling pa]. Maayos ang pamilya ko sa sitwasyon natin ngayon. Ang wish ko na lang maging maayos na ang sitwasyon nating lahat,” batid ni Daniel.

Sunod naman ay tinanong siya ni Martin kung ano ang pinaghuhugutan niya sa mga kanta niya.

“Iba-iba, ‘To Marts. Kay mama, sa papa ko, sa lola ko. Sa lola lahat ng standards kaya ho alam ko ‘yon dahil sa lola ko dahil nu’ng bata ako lola’s boy ako. And everytime, ‘yon lang, patugtog lang nang patulog,” sagot naman ni birthday boy.

Bukod pa riyan ay nagtanong din si Martin kung ano’ng magic sa buhay niya ni Kathryn.

“Siguro ‘yong magic lang… I mean, ‘yong pag-aalaga n’ya sa akin, ‘yong pagmamahal na genuine [na] labas dito sa industriya na kahit anong mangyari, e, nand’yan kami para sa isa’t isa. ‘Yon lang naman ‘yon,” sagot naman ni Daniel. #DM

Advertisement

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “KATHRYN MAHIKA ANG PAG-AALAGA — DANIEL PADILLA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: