
Travel Ban sa India inirekomenda ni Locsin

Inirekomenda ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na pansamantalang i-ban ng gobyerno ang mga traveler mula sa India patungong ‘Pinas.
“I have suggested to the IATF that a travel ban be imposed on all our good friends in the entire Indian subcontinent,” sinabi ni Locsin sa ipinoste nito sa kanyang Twitter account.
“It’s not personal; it’s for everyone’s safety for now; we’ll be able to be together again,” dagdag pa niya.
Sinabi naman ng Department of Health (DOH) sa DFA na kanilang pag-uusapan ang posibleng pag-ban sa mga byahero mula India patungong ‘Pinas sakabila ng nagpapatuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa.
Sinabi rin ng mga eksperto na mas lumalaki pa ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa India at nagkaroon pa rito [India] ng bagong variant na kinilalang “double mutant” bunsod ng mabilis na hawaan sa virus sa India.
Sinabi pa ng mga health experts sa ‘Pinas na wala pa naman silang na-detect na bagong variant mula sa India.
Sa pagtatala, 659 B.1.17 (United Kingdom) variant cases ang mayroon na sa ‘Pinas, 695 B.1.351 (South Africa) variant cases, 2 na P.1 (Brazil) variant cases, at 148 cases naman ng P.3 variant na una nang na-detect sa Central Visayas. #DM
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
1000-Piso Polymer Banknotes, available nang mawi-withdraw sa maraming ATM’s sa bansa – BSP
Mas marami ng 1000-piso polymer banknotes ang maaaring ma-withdraw sa iba’t ibang automated teller machines (ATMs) sa buong bansa,...
Isang Baldadong lalaki sa Naic Cavite, nananawagan ng Tulong Medikal dahil sa kanyang Kondisyon
Ni Rex Molines NAIC, CAVITE: Nananawagan ngayon ng tulong ang isang concern citizen para sa kanilang kapitbahay na si sir...
HONESTY FRUIT STORE NG GWARDIYA, PATOK SA MASA
Ni Sid Samaniego NOVELETA, CAVITE: "Kumuha ka ng naaayon sa kagustuhan mo at timbangin mo ayon sa sukat na nais...
Mga Magsasaka, Ikinababahala ang imported na Sibuyas
Nababahala ngayon ang mga magsasaka ng sibuyas dahil sa pag-angkat ng imported na sibuyas ng Department of Agriculture (DA) ng...
AMERIKANONG ENGINEER, NAMAHAGI NG PAGKAIN SA MGA PRESO
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Dugong-Kano pero may Pusong-Pinoy ang nananalaytay sa pagkatao ng 55 anyos na Software Engineer na...
815 na Sink Hole sa Boracay, Pinangangambahan
"Nakaka-alarma" Ito ang pagsasalarawan ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron matapos makitaan ng 815 na sink hole sa isla ng...