Community News

makulay na buhay

[by Sid Luna Samaniego]

Agaw pansin ang lalaking ito na may dalang makukulay na sisiw.

Pwedeng bilhin ang sisiw sa halagang 25 piso. Pero kung trip mo naman ng bunot sa numero na may zero, sa halagang piso ay makakapili ka na ng gusto mo.

Sa kanyang hanap-buhay na ganito, isa lang siya sa naapektuhan ng pandemya. Dati-rati, malakas ang kita nila lalo na kapag may pistahan. Kaya kung saan-saan silang bayan nakakarating.

Anu’t anupaman ang hanap-buhay na ito ay marangal at hindi dapat kahiyaan. Sipag at tiyaga lang ang puhunan, tiyak may mauuwi kang panghapunan. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: