NEWS

National highway ng probinsya ng South Cotabato binaha ng “watermelon”

[by Rashid RH. Bajo]

ISULAN, Sultan Kudarat –– Sa maniwala ka or hindi, bumaha ang mga “watermelon” sa ilang bahagi ng national highway ng probinsya ng South Cotabato.

image: Arangkada Balita

Napatunayan ito ng daan–daang mga motorista na mula sa Tacurong City na dumadaan sa national highway papunta sa mga siyudad ng Koronadal at Heneral Santos City. Ang Tacurong ay “component City” ng probinsya ng Sultan Kudarat.

Ayon sa report ng national daily newspaper na The Philippine STAR [by John M. Unson], “Watermelons and cantaloupes are selling at a low price along highways crisscrossing South Cotabato and Sultan Kudarat provinces.”

“Totoo talaga makikita mo talaga sa tabi ng kahabaan ng national highway ang napakaraming mga stall na nakapila at nagbebenta ng watermelon,” sabi ng isang negosyante na nakabase sa probinsya ng North Cotabato at nagpakilala lamang na si Ms. Charice sa interbyu sa kanya ng Diyaryo Milenyo kahapon.

“Lahat sila parang nag–aanyaya sayo na bilhin at tikman ang tinda nilang mga watermelon,” dagdag pa ng nasabing negosyante habang bumibili ito ng 20 kilos ng watermelon para gawing pasalubong sa kanyang mga kaibigan na mga Muslim na nag–aayuno ngayong buwan ng Ramadan.

Bawat kilo ng nasabing prutas ay nagkakahalaga lamang ng P20.

Para sa lahat ng mga may–ari ng stalls sa tabi ng national highway, “swertihan” na lamang bentahan nila pero kahit madami ang mga tinda nilang mga watermelon, marami pa rin ang bumibili nito.

“May bumibili sa akin dito na mula sa General Santos at Sarangani province. Minsan naman mga pasahero ng mga jeep at mga sakay ng private cars,” sabi ni Manang Loreta na nagbebenta ng watermelon sa tabi ng nasabing national highway.

Ayon sa report ng PhilSTAR, tinukoy nito ang “overproduction” ng nasabing prutas kaya bumaha at bumaba ang presyo nito.

“Due to the low prices of palay and corn grains, many farmers in towns in the two provinces shifted to growing watermelons and cantaloupes, which has resulted in overproduction,” sabi ng PhilSTAR.

Sa pagsasaliksik ng Diyaryo Milenyo, napag–alaman nito na ang watermelon ay siang prutas na naglalaman ng “nutrients” at “compounds” na makakatulong sa pagpigil ng sakit na kanser, makakabuti rin ito sa puso, balat at buhok.

Posible rin nitong mapababa ang sinasabing “lower inflammation” at “oxidative stress” at makakatulong rin para pagilan ang “macular degeneration” at matanggal ang “muscle soreness.” #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “National highway ng probinsya ng South Cotabato binaha ng “watermelon”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: