[by Sid Luna Samaniego]

Pagdadaing ang isa sa pinagkakakitaan ni Aling Clarita Biralde ng Brgy. Silangan 1, Rosario, Cavite.
Sampung-piso bawat piraso ang singil niya sa pagdadaing kasama na ang pagbo-boneless.
Kumikita sya ng halagang 300 piso hanggang 500 piso bawat araw.
“Sipag at tiyaga lang ang puhunan sa ganitong trabaho. Tiyak namang may maiuuwi ka na kahit konting pera para may panggastos sa pamilya”, kwento ni Aling Clarita.
“Yung mga bituka at itlog ng bangus ay pinagtitiyagaan kong ipunin. Masarap itong lutuin at gawing igado”, dagdag pa ni Clarita.
Isa lamang si Clarita sa lubhang naapektuhan ng pandemya. Pero masaya siya sa kanyang ginagawang pagdadaing. #DM
0 comments on “BINIYAK NA: Pagdadaing ang isa sa pinagkakakitaan ni Aling Clarita Biralde ng Brgy. Silangan 1, Rosario, Cavite.”