MOBILITY

“Yung mali na nakasanayan na ay naging tama. So ang ginawa ko, ibinalik ko lang yung lumang tama,” – Mayor Isko sa mobilisasyon ng Maynila

image: Top Gear Philippines

Sa mga nagdaang taon, marami na ang nanungkulan sa lungsod ng Maynila ngunit hindi nabigyang ayos ang naturang lungsod sa pag-upo ng mga sikat na personalidad bilang Alkalde ng Maynila.

Mula nang mailuklok si Mayor Isko Moreno bilang Alkalde ng Maynila, marami na ang nagbago at patuloy pa rin niyang binabago ang maruming mukha ng Maynila sa mga kaparaanan na simple ngunit may katuturan ang bawat kanyang hakbanging ginagampanan sa Maynila.

Sakabila nang lahat ng ito, naabot na nga ba ng Maynila ang pinaka-rurok ng tagumpay at kaayusan ng kanilang lungsod mula sa paglilinis ng duming iniwan ng mga “Trapo” [Traditional Politician] at sa mobilisasyon ng lungsod? Tila hindi pa taruk ng naturang lungsod ang tugatog ng kanilang pagsusumikap patungkol sa mobilisasyon ng lungsod ngunit ito ay patuloy na pinagsusumikapan ng mga namamahala sa lungsod ng Maynila higit si Mayor Isko Moreno.

Sa isang panayam ng Top Gear Philippines kay Isko Moreno kung ano ang masasabi nito sa mga pagbabagong nais niyang mapagtagumpayan sa Maynila. Aniya, mula sa malawakang cleaned up and renovation ng mga napabayaang imprastraktura at mga gusali sa Maynila ay kanila na itong naisasaayos at patuloy pa rin nilang pinapaganda ang mukha ng Maynila. Isa sa mga dahilan kung bakit ito napabayaan ay dahil sa ‘bad habits’ ng mga tao sa paligid at ng ilang mga namumuno sa Maynila.

“Habit. Habit ng tao. The biggest challenge. Correct me if I’m wrong,” Saad ni Moreno sa kanyang panayam sa Top Gear Philippines.

“There is a habit of corruption in the area. Alam naman natin pare-pareho. Hindi naman kayo mga tolonges na hindi niyo alam paano nag-exist yan nang walang nakakausap na may kapangyarihan. Kasi blatant na mali, pero nag-exist. Maling-mali, technically and morally, tapos nag-exist—alam mo na ang ibig sabihin.” dagdag pa ng Alkalde ng Maynila.

Aniya, para mabago ang mga tao sa kanilang mga nakasanayan o nakagawian ay dapat magkaroon sila ng inisyatibong na magsabi ng kanilang mga hinanaing at ito naman ay pakikinggan ng kanilang lokal na pamahalaan upang maisaayos ang mga naging baluktot na pananaw ng mga Manileño dahil na rin sa nakasanayan ng iba ang mga maling gawain.

Kaya palang mawala in 48 hours yung 30-year-old problem. I put you in a situation to demand from your government. Kasi kaya naman palaEh bakit nga habits? Kasi yung mali na nakasanayan na ay naging tama. So ang ginawa koibinalik ko lang yung lumang tama,” saad muli ni Moreno.

“If the saying is true that you cannot teach old dogs new tricks, kaya may mga matatandang leader na matigas ang ulo because they cannot adapt, then let’s go after their children. So we are now changing to an environment of good habits in the city.” pahayag muli ng Alkalde.

Sa lahat ng ating mga pinagdadaanan sa buhay at ng ating gobyerno, mangilan-ngilan lang ang kagaya ni Mayor Isko Moreno na patuloy pa rin niyang isinasapuso ang makapaglingkod na mabago ang dating nakagawian ng mga tao sa naturang lungsod. Marami pa ang dapat ayusin, baguhin at dapat nating matutunan sa pagpapahalaga ng ating komunidad partikular ang buong lungsod na ating sinasakupan. Nawa’y magsilbing halimbawa ito sa lahat upang sabay-sabay nating mapaganda ang ating bayan sakabila nang pandemya sa buong mundo. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on ““Yung mali na nakasanayan na ay naging tama. So ang ginawa ko, ibinalik ko lang yung lumang tama,” – Mayor Isko sa mobilisasyon ng Maynila

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: