Ricky Lo, pumanaw na
[by Athena Yap]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Pumanaw na sa edad na 75 ang batikang entertainment columnist na si Ricky Lo nitong Martes ng Gabi, May 4 (10PM). Kinumpirma ang kanyang pagkamatay ng kapatid niya na si Susan Lee.
Ayon sa pamilya ng nasabing journalist, stroke ang sanhi ng pagkamatay ni Lo.Nagmarka si Ricky Lo sa kanyang mga scoop. Si Lo ay isa sa mga pinaka-respetadong entertainment columnist mula noon hanggang sa henerasyon ngayon.
Nagsimula siya bilang editorial assistant sa Manila Times Magazine noong 1969. Naging Entertainment editor naman siya sa The Philippine Star noong dekada 80.
Naging co-host rin noon si Ricky sa showbiz talkshow ng GMA 7 na “Startalk,” at naging co-host din sa comedy talk show na “CelebriTV.”
Matatandaang naging usap-usapan pa ang scoop ni Lo tungkol kay Nadine Lustre noong January 2020. #DM
You must be logged in to post a comment.