Banner Story

DUTERTE sa pagka Bise Presidente sa 2022

[ni Rex Molines]

CAGAYAN DE ORO CITY – Nanawagan ang mga grupo ng Civic, social and non-government organizations at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para sa pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pinakamataas na ikalawang pwesto sa bansa o bilang Bise Presidente sa darating na Halalan 2022.

Ipinaliwanag ni Elvira Go, ang convenor ng VP Digong 2022 campaign, na nais nilang maihalal sa pangalawang pinakamataas na pwesto sa pulitka sa bansa upang maipagpatuloy ang kanyang mga programa at patakaran, lalo na sa kampanya kontra-droga at anti-terrorism drive.

Aniya, dahil sa may sinusunod na batas na hindi na makakatakbo sa pagka-Pangulo si Duterte, mas mainam na tumakbo na lamang si Duterte sa ikalawang Pangulo.

“Our goal is continue with necessary changes. At least we have seen appropriate improvements within his nearly six-year term as President,” saad ni Go.

Ang mga organisasyon na sakop ng kampanyang VP Digong 2022 ay kinabibilangan ng 25 organisasyon kabilang na ang Origa Roa Clan, Go Bong Go Movement, Friends of Rodrigo Duterte, Iligan Group, Sara Truckers, Alpha Kappa Ropho, Kahugpuan Federal Movement at Structural Alternative Legal Assistant Group.

Sa pahayag ng grupo, sinabi nila na si Duterte ang higit na mas may kakayahan at karapat-dapat na umupo sa naturang pwesto dahil sa excellent presidential track record ni Duterte.

Sa magkakaibang panayam sa Mindanao regional, provincial, city at municipal officials kabilang din ang civic and social organization leaders, patunay lamang na malaki ang naging impluwensya ni Duterte sa kanyang mga ginampanan sa bansa kung kaya’t marapat siyang [Rodrigo Duterte] tumakbo bilang Ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa Halalan 2022. #DM

0 comments on “DUTERTE sa pagka Bise Presidente sa 2022

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: