Entertainment

CANDY PANGILINAN NALUHA SA STORYA NG ANAK

[by Athena Yap]

Sa episode na iyon ay ibinahagi niya ang journey ng kanyang pagiging ina mula sa pagkakawalay sa asawa hanggang sa pamumuhay bilang ina sa only son niya na si Quentin.

Guest ni Toni Gonzaga sa kanyang vlog para sa Mother’s day special episode ang komedyante na maituturing ding ulirang ina na si Candy Pangilianan.

Ayon kay Pangilinan, naghiwalay sila ng kanyang mister isang buwan mula noong lumabas sa kaniyang sinapupunan si Quentin. Hanggang sa ikinuwento niya na may ibang nakapansin na mayroong kakaiba sa kaniyang unico hijo, kaya’t agad niyang ipina-check up ito.

Para kay Candy, malaki ang nagbago sa buhay niya nang mamulat siya sa pagiging ina kay Quentin at natuto maging appreciative kahit sa maliliit na bagay lamang. Hindi napigilan ng aktres maging emosyonal sa pagkukwento sa diskriminasyon na naranasan nila ng kanyang anak.

Kwento ni Candy, hindi pina-graduate sa eskwelahan ang anak niya sa dahilan ng prinsipal na “nakakahiya” raw.”

Ipa-practice ko po, yung kami lang dalawa, ipa-graduate niyo na, parang awa niyo na,” pakiusap naman ni Candy sa prinsipal. Nagmakaawa pa aniya si Candy sa prinsipal para lamang ipa-graduate ang anak pero hindi pa rin pinayagan.

Pero dahil sa kagustuhan ni Candy na maranasan ng anak niyang maka-graduate, kinaibigan ng aktres ang barangay captain sa lugar nila para magsaayos ng graduation para sa anak. “gumawa ako ng sariling graduation sa plaza, kami kami lang,” emosyonal pang pahayag ni Candy.

“ang tingin ko, all parents, all mothers go through that, siguro gagawa rin sila ng paraan to rise above,” dagdag pa ng aktres. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “CANDY PANGILINAN NALUHA SA STORYA NG ANAK

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: