[by Athena Yap]

Hindi pinalampas ng “Jowable” actress na si Kim Molina ang pamimintas sa kanya ng isang netizen sa Facebook. Ibinandera ng aktres nitong nakaraang araw ang pambabatikos na natanggap niya.
“Bkt kim ganyan mata mo? May (censored word)” hirit ng basher.
Ito rin ay screenshot ng partikular na pamimintas kay Kim. Agad namang dumepensa si Kim at nireplayan ang basher.
“Brush your teeth bruhh. Ang bastos ng bunganga mong hype ka,” say ni Kim.
Hindi rin nagpahuli ang nobyo ni Kim na si Jerald Napoles at agad ding ipinagtanggol ang kanyang girlfriend.
“Hoy girlfriend ko yan. Bakit binabastos mo? Close kayo!? Pwede namang katuwaan ‘wag lang bastos. Kaya mo ba sabihin sa personal yan?” Buwelta naman ni Jerald. Bukod pa riyan ay bumuhos din ang pangsasabon ng mga fan ni Kim sa naturang basher.
“Last name reveal, i’m ready to fight that joven,” lahad ng isang fan. #DM
0 comments on “Kim Molina sinopla ang basher sa socmed”