Entertainment

Rabiya Mateo, naluha matapos rumampa sa National Costume show ng Miss Universe 2020 pageant

[by Madam Ruth]

Hindi napigilan ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na lumuha nang mag-live stream ito sa Instagram TV nitong Mayo 13, 2021 (Mayo 14 sa Pinas), matapos ang national costume show ng Miss Universe 2020 pageant na ginanap sa Seminole Hard Rock & Casino sa Hollywood, Florida.

Maramin ang nakapansin sa pambato ng Pilipinas na si Rabiya na hindi kumpleto ang kanyang national costume na suot.

Aniya ng mga Pinoy pageant fans, hindi nagamit ang sun-inspired headpiece na ginawa ni Manny Halasan na kukumpleto sana sa national costume ng yumaong fashion designer na si Rocky Gathercole.

Sa isang post sa Instagram account ng @pageanthology101, masmahaba ang red-and-blue train ng national costume ni Rabiya, ngunit maiksi na ito nang rumampa sa naturang kompetisyon.

Nagpaliwanag naman si Rabiya sa kanyang Instagram na nagkaroon siya ng minor accident sa backstage ng venue.

Aniya, nagahol siya sa oras sa kanyang preparasyon bago rumampa sa stage.

Narito ang ilang pahayag ni Rabiya;

Naluluhang kuwento ni Rabiya: “Sabi ko I just wanna do a quick live to tell you guys na I’m so sorry kung na-disappoint man kayo sa akin but I know na I did my best.

“I even cut my finger earlier and yung stockings ko, puno na rin siya ng dugo but I kept fighting kahit wala nang oras. I didn’t have time to retouch my hair, to retouch my makeup.”

“Like, I was there. I was running for pins, I was running for scissors, for everything, just to be able to execute, you know, the costume really well.”

“Kaya maraming maraming salamat talaga guys, ha. I think, in myself kanina, I felt really great. Feeling ko nung naglalakad ako, I was so beautiful.

“Nakita ko yung cheer ng mga judges, nakita ko yung sigawan ng mga Pilipino kaya nagpapasalamat talaga ako sa suporta.

“Thank you so much guys and tomorrow may competition pa tayo and again, malaking laban ulit kaya ipagdasal niyo sana kaming lahat mga girls to execute yung pinaka-best performance na kaya namin.

“Because our girl really is to make our country proud. Kaya sana, sana, sana maging proud din kayo sa akin kasi it’s never easy pero kinakaya ko para sa inyong lahat. Again, maraming salamat.”

Pahayag pa ng ating pambato na kanyang paghahandaan ng maigi ang preliminary competition ng Miss Universe na gaganapin naman ngayong Mayo 14, 2021 (Mayo 15 sa Pinas).

Samantala, gaganapin sa May 16, 2021 (May 17 sa Pilipinas) ang grand coronation ng Miss Universe 2020 pageant sa Seminole Hard Rock & Casino sa Hollywood Florida. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Rabiya Mateo, naluha matapos rumampa sa National Costume show ng Miss Universe 2020 pageant

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: