Entertainment

Mikee Quintos, inakusahang tamad sa Thesis

[by Athena Yap]

Usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y pagiging missing in action ng GMA actress na si Mikee Quintos sa kanilang thesis.

Matagal nang naka-post sa Freedom Wall Page ng kanilang university ang mga patutsada na palagay ng karamihan ay si Mikee.

“Matagal ko nang kinimkim to kasi alam ko na pagnagspeak out ako, ibbully niya ako at mga friends niya na mala-elite pero salamat sa post na to haha gusto ko lang sabihin na sobrang conceited netong artistang to at minalas ako na naging kapartner ko siya sa isang research paper,” panimula sa isang patama umano para sa aktres.

Kwento pa ng hindi kilalang netizen, nagpapa-sarap lang daw ito sa spa habang ang kanyang partner sa research paper ay nangangarag na. Hindi man niya pinangalanan kung sino ang artistang kapares niya pero binanggit niya na taga GMA ang aktres na mas tumibay ang paghinala ng mga netizen na si Mikee ang maaaring tinutukoy sa naturang post.

Kung makikita rin sa comment section, marami sa mga nag-interact na umano’y may idea kung sino ang tinutukoy sa post ay nagpapahiwatig ng initials na “M.Q”At may isang anonymous pa ngang matapang na nagbitaw talaga ng pangalan ng aktres.

“Mikee tulong ka naman daw minsan sis ‘wag puro showbiz,” saad ng anonymous sa Freedom Wall Page. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Mikee Quintos, inakusahang tamad sa Thesis

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: