[by Athena Yap]

Pasok sa top 21 ngunit hindi pinalad na makatungtong pa ng top 10 ang Miss Universe Philippine representative na si Rabiya Mateo.
Ginanap kanina (May 17, Monday PH time) sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino, Hollywood, California ang ika-69 Miss Universe na dapat ginanap noong 2020 ngunit naipagpaliban muna dahil sa hindi inaasahang pag tagal ng COVID-19 pandemic sa maraming bansa.
Samantala, ang itinanghal bilang Miss Universe 2020 ay ang representative ng Mexico na si Andrea Meza.Fourth runner up si Kimberly Perez mula Dominican Republic, si Adline Castelino naman mula India ang third runner up, rumampa naman bilang 2nd runner up ang representative mula Peru na si Janick Maceta habang si Julia Gama naman ang napili bilang 1st runner up.
Sa kabila naman ng pagkalaglag ng Filipina beauty sa pageant, patuloy pa rin ang pag-cheer ng mga solid supporters ni Rabiya. #DM
0 comments on “RABIYA MATEO SAWING MAUWI ANG KORONA NG MISS UNIVERSE”