Entertainment

ARIANA GRANDE IKINASAL NA KAY DALTON GOMEZ!

[by Athena Yap]

image: ellecanda.com

Finally! Nahanap na ng Pop Star na si Ariana Grande ang kaniyang “The One.”

Ikinasal sila ng kaniyang fiance na si Dalton Gomez nitong Sabado lamang sa bahay ni Ariana sa California ayon sa mga lumalabas na ulat.

Simple at napaka-intimate ang naging kasalan nilang dalawa kung saan hindi bababa sa 20 ka-tao ang dumalo sa kanilang pag iisang dibdib.

Ibinahagi ni Ariana noong nakaraang taon bago magpasko na sila ay na engage ni Dalton na may kasama pang caption sa Instagram na “Forever n then some” 

February 2020 naman noong magkaroon ng espekulasyon sa kanilang pagdidate at bandang May naman nila kinumpirma ang kanilang pagiging magkasintahan sa pamamagitan ng Music Video na “Stuck With U” kung saan ka-collaborate niya ang Hunk star na si Justin Bieber.

Hinala ng iba, maaaring ikinasal sila dahil baka buntis na si Arian ngunit may mga ulat na itinatanggi ito.

Nag aabang din ang ilan sa mga fan dahil may umuugong na usapang magu-upload umano si Ariana sa Thursday (Friday sa Pilipinas) tungkol sa kanilang mga wedding picture. 

Sa ngayon, tahimik at wala pang update mula sa kahit anong social media accounts ni Ariana. #DM

Advertisement

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “ARIANA GRANDE IKINASAL NA KAY DALTON GOMEZ!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: