PROVINCIAL

Mga residente ng isang barangay sa Isulan, Sultan Kudarat nag “bayanihan spirit” laban sa tubig–baha

[by Rashid RH. Bajo]

SULTAN KUDARAT, Philippines ­–– Personal na nasaksihan ng Diyaryo Milenyo kaninang umaga ang halaga ng “bayanihan spirit” sa pakikipaglaban ng mga residente kontra sa hagupit ng tubig–baha na idinulot ng malakas at patuloy na pagbuhos ng ulan sa bayan ng Isulan sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Maraming mga barangay ng nasabing bayan ang hinagupit ng pagbaha, kung saan hanggang ngayon ang alerto pa rin dahil sa patuloy na banta ng pagbuhos ng ulan.

Ang isa sa maraming mga lugar sa Isulan na masyadong nakaramdam ng hagupit ay ang Barangay Bambad, partikular na ang Purok Mabuhay, Purok Bagong Silang at Purok Riverside, na may nakatira na malapit sa 300 na mga pamilya.

Ayon sa initial report na inilabas ng Barangay Bambad, umabot sa 84 na mga pamilya ang apektado ng nasabing pagbaha doon.

Sa Purok Mabuhay, hanggang ngayon, tuloy pa rin ang paglalagay ng mga residente doon ng sako–sakong mga buhangin at mga lupa sa harap ng kanilang bahay para mapigilan ang pagpasok ng tubig–baha mula sa umapaw na sapa mga ilang metro ang layo mula sa kanila.

“Wala kaming magawa kundi ang magtulungan para protektahan ang aming mga bahay. Nagsisilid kami ng buhangin at lupa sa mga sako para ilagay sa harap ng aming mga bahay para hindi makapasok ang tubig–baha,” sabi ng isang residente sa interbyu sa kanya ng Diyaryo Milenyo.

Ayon kay Bambad Barangay Captain Pablo C. Elauria Jr., maliban sa mga bahay, sinagasaan din ng tubig–baha ang ekta–ektaryang mga palayan.

Nagdadasal naman si Kapitan Elauria na sana huminto na ang pag–ulan para kahit papaano maibsan ang pagod at dalamhati ng apektadong mga pamilya. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Mga residente ng isang barangay sa Isulan, Sultan Kudarat nag “bayanihan spirit” laban sa tubig–baha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: