[ni Sid Luna Samaniego]

Ang ulan na ito ay hindi nangangahulugan na umpisa na ng panahon ng tag-ulan.
Marami ang sa atin ay naniniwala na ang pagligo sa unang ulan ng Mayo ay may dalang swerte at pagpapala. Kahit na nga wala itong siyentipikong basehan.

Ang tanong ng mga tao, ang pag-ulan ba na ito ay hudyat ng kapistahan ng Nuestra Señora del Rosario sa darating na linggo? Ang patron ng bayan ng Rosario.
Anu’t anupaman, ang pag-ulan na ito ay nagdulot ng saya sa mga tao.
Tila mga batang humihiyaw habang dinadama ang bawat pagpatak ng ulan, mula ulo hanggang paanan.

Nagdulot ng malamig na pakiramdam mula sa mainit na panahong nararanasan ngayon.
Agua de Mayo, ramdam ka ng buong bayan ng Rosario. #DM
0 comments on “Agua de Mayo sa Rosario Unang ulan sa buwan ng Mayo”