[by Athena Yap]
Sinubukang humingi ng chance ng aktor na si Edward Barbers kay MayMay Entrata bago magtapos ang kanilang live sa isang live streaming app.

Sa una ay medyo naguguluhan si MayMay kung ano ang ibig sabihin ni Edward pero nang ma-gets niya ang maaaring ipinahihiwatig ni Edward ay ipinaliwanag din agad ang kaniyang saloobin.
Nagtanong kasi si Edward, “is there still a chance?”
Hindi agad nakasagot si MayMay pero ang sabi ng aktres ay medyo nahihirapan na siyang ibalik ang kanyang tiwala.
“Edward, ‘yung totoo.. honestly talaga yung pinaka ayaw ko ‘yung paasa… Ang pinaka mahirap kasi sa akin, kapag nasira na yung tiwala, ang hirap ibalik,” tugon ni MayMay.
Pero hindi naman aniya sinasara ng aktres ang kaniyang pinto sa posibilidad na maibalik ang pagiging komportable nila sa isa’t isa.
“Ayoko magsalita ng tapos pero ayoko rin magpaasa lalo na ngayon nahanap ko na yung saya na gusto ko,” dagdag pa ni MayMay. #DM
0 comments on “Edward, humingi ng second chance kay MayMay”