[by Athena Yap]

Nag-47 years old na nitong May 19 lamang ang dating aktres na si Marjorie Barretto at masaya nilang sinelebreyt ang kaarawan ni Marjorie sa kanilang bahay.
Ngunit napansin ng mga netizen sa post ni Marjorie na sa video call lamang nila nakapiling ang isa sa mga anak ng nasabing aktres na si Julia.
Nagtaka tuloy ang marami kung bakit kaya hindi present si Julia sa napaka espesyal na araw sa buhay ng kaniyang ina.
May mga nagsasabing maaaring wala si Julia dahil kailangangang mag-quarantine para sa upcoming project nito.
Pero may mga naghihinala naman na mas na-prioritize ngayon ni Julia ang boyfriend na si Gerald Anderson o pwedeng nakalimutan ang birthday ng ina (?) dahil napansin ng ilan na panay post ang dalawa ng kanilang bonding sa isang beach house.
Gayunpaman, wala naman sinasabi ang mag-ina kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit absent si Julia sa birthday ni Marjorie at hanggang ngayon ay palaisipan lamang ang mga dahilan na nabanggit. #DM
0 comments on “Julia, absent sa bday ng ina dahil kay Gerald?”