COVID-19 PH

Vaccination operation sa Nayong Pilipino planong gagawing 24/7 Ops

[by Rex Molines]

Gagawing 24/7 vaccination operation ang itatayong mega-vaccination site ng gobyerno sa Nayong Pilipino para madagdagan ang bilang ng mga nagpapabakuna kada araw.

Sa isang interbyu na nakalap mula sa Dobol B TV, ayon kay National Task Force Against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla na ang nasabing proyekto ng gobyerno ay posibleng gawing 24/7 vaccination operation.

Mayroon din sariling storage facility para maprotektahan ang mga bakuna at ang tuloy-tuloy na pagbibigay suplay ng bakuna.

“Ang kagandahan dito may sariling storage facility, yung 24/7 maaring gawin diyan dahil mayroon silang makukuhang bakuna na tuloy-tuloy,” ani Padilla.

Aniya, sakabila ng kontrobersiya sa mega-vaccination site ay hindi pa batid kung kailan ito ilulunsad, ngunit ayon sa gobyerno na maaring masimulan ito ngayong buwan.

“Sa pagkakaalam ko maayos na po napagkasunduan na yung gagawin diyan. Hindi ko alam kung na-launch na yung project, ang pangako po, within a month to a month and a half.”

Nito lamang nakaraan, sinabi ng Nayong Pilipino Foundation na hindi nila pinahihintulutan ang proyekto ng gobyerno sa pag konstraksyon sa nasabing lugar patungkol sa malawakang pagbabakuna dahil sa diumano’y mayroon itong epekto sa kalikasan.

Sinabi naman ng Department of Health na pag-uusapan nila ang magiging istratehiya sa pagasasagawa ng 24/7 vaccination sakabila ng kakulangan pa ng suplay ng bakuna sa bansa na inaasahan ng gobyerno. #DM

Advertisement

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Vaccination operation sa Nayong Pilipino planong gagawing 24/7 Ops

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: