
Balik-operasyon na ulit ang local government ng La Union para sa mga turista nitong Mayo 22 upang buhayin muli ang industriya ng turismo dulot ng COVID-19 pandemic.
Sa ilalim ng Executive Order No. 27 na inisyu ni Governor Emmanuel Ortega III, mahigit 700 registered tourists lamang mula Luzon na may edad na 15 hanggang 65 taong gulang ang pinahihintulutan makapasok sa naturang probinsya kada araw.
Ang lahat ng mga dadayo ay kinakailangan makapagsumite ng RT-PCR test results sa loob ng 72 hours prior to arrival. Pinapayagan din na ipresenta ang Saliva-RT-PCR Test result na inisyu ng Red Cross na mya magkaparehong validity period. #DM
0 comments on “La Union, balik-operasyon na sa mga local tourist”