[ni Rex Molines]
DINAGSA ang isang resort sa Barangay Matictic sa bayan ng Norzagaray, Bulacan nitong Linggo (May 23) kung saan ay bigong sumunod sa ipinatutupad na social distancing sakabila nang patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa.

Makikita sa larawang ito na karamihan ay hindi na nakasuot ng face mask at face shield. Maging ang mga menor-de-edad ay naroroon din sa nasabing paliguan.
Base sa ordinansang ipinatutupad ng mga otoridad, pinapayagan ang mga dayuhan na magtutungo sa mga pasyalan at gaya ng mga resort na dapat ay may kapasidad lamang na 30% ang mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.
Inihinto na ang pagtanggap ng mga bibisita sa naturang resort kahapon ng tanghali. Subalit, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga turista kung saan ay nagpatupad na ang mga otoridad ng pagbabawal sa pagligo roon.
Samantala, pinagpapaliwanag naman ang barangay, provincial government at cottage owners sa pangyayaring ito ngayong Martes.
Pinaiimbesitgahan naman ni Philippine National Police chief General Guillermo Eleazar ang pangyayaring ito.
Ang Bulacan area ay nasa ilalim ng GCQ na may heightened restrictions hanggang katapusan ng Mayo. #DM
0 comments on “Mga Turista sa Isang Resort sa Norzagaray Bulacan, Bigong Sumunod sa Health Protocols”