[by Rex Molines]
Manila, Philippines – Pinaalalahanan muli ng Department of Education (DepEd) ang public and private elementary and high schools sa bansa na bawal na muna ang pagsasagawa ng face-to-face graduation at moving-up ceremonies bunsod nang nagpapatuloy na pandemya sa bansa.

Sa memorandum na inilibas nitong Lunes, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na mahighpit pa ring ipagbabawal ang pagsasagawa ng face-to-face ceremonies sa lahat ng antas ng paaralan.
Aniya, maaari namang isagawa ang end-of-school rites sa pamamagitan ng online or virtual approach.
“The virtual conduct of the end-of-school year rites may be an option for schools and community learning centers, whenever feasible. Schools and CLCs may prepare a short program that will run in less than two hours to consider the internet connectivity that will be consumed. Only the completers, their parents/guardians, teachers and school administrators will be present during the virtual rites,” nakasaad sa memorandum.
Aniya, para sa mga pampublikong paaralan, isasagawa ang moving-up ceremonies sa darating na Hulyo 12 hanggang 16. Ang private schools naman ay dapat mag-implementa ng kanilang pagsasagawa ng ceremonies na tutugma sa kani-kanilang school calendars.
Umaasa naman si Sen. Sherwin Gatchalian na dapat itakda ang new school year na magsisimula sa Agosto at Setyembre ngayong taon.
“So in other words it’s quite uncertain and we are seeing surges around the country. This school year will end by July. Hopefully, by August, September for the new school year, we will have a better situation, we’ll have more people vaccinated, most important is that our teachers and this is a boost of confidence in the education sector,” pahayag ni Gatchalian sa isang interbyu sa ANC. #DM
0 comments on “GRADUATION RITES SA MGA MAGTATAPOS NGAYONG TAON, BAWAL NA MUNA”