MISS CANADA NOVA, NAKATANGGAP NG DEATH THREAT SA BDAY
[by Athena Yap]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Birthday kahapon (May 25) ng Miss Universe Canada Representative na si Nova Stevens.
Pero sa halip na masasayang pagbati ang kaniyang natanggap ay puro negatibong mensahe ang bumuhos sa espesyal na araw ng Canadian beauty queen.
Base sa post ni Nova, hindi niya karaniwang pinapansin ang mga pambabatikos pero ang mga natanggap niya nitong mga nagdaang araw ay hindi na niya nasikmura kaya kinailangan na niyang i-call out ang mga ito.
“This has personally attacked me so I feel the need to clarify a few things: Designers& pageant contestants enter into sponsorship agreements regularly. Just as they do at award shows or any other public event, its not “free”. It involves an immense amount of effort+ negotiation on both sides,” paliwanag ni Nova.
Dagdag pa sa paliwanag niya, siniguro ng kanyang team ang kasunduan kay Michael kahit na wala sila gaanon kalaking budget dahil ang kanilang bansa raw ay hindi “major pageant country” na hindi gaya sa ibang bansa.
Nagkaroon anila sila ng kasunduan sa team ni Michael na isponsor ang kaniyang gown sa main contest.
Nilinaw din ni Nova ang mga paratang sa kaniya tungkol sa pagiging “ungrateful”
“As of now,I have 10 posts that are still up thanking him, not including interviews where I always made sure to mention him, nor the many personal videos thanking him from the bottom of my heart,” paliwanag pa ng beauty queen.
Ipinaliwanag din ng Canadian beauty kung gaano kahalaga sa scoring ang gown na kaniyang susuotin at kasunod niyan ay humingi na rin siya ng paumanhin.
“This was important because it affects scoring.So we made the decision to wear a different gown (thank you to Virgilio Madinah). Unfortunately my team who had worked so hard was upset that Michael did not deliver his end and they did make a comment.This was WRONG on my team’s part.As part of my team, I fully apologize,” ani Nova. #DM
You must be logged in to post a comment.