
Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang ikaapat na bagyo sa bansa nitong umaga 10:00 am ayon sa PAGASA.
Batay sa ulat ng PAGASA, nakita ang bagyong Dante kaninang 3 p.m. sa layong 835 kilometers silangang bahagi ng Mindanao. Hindi namang inaasahan na ito ay tatama sa kalupaan ngunit may posibilidad na magdulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao.
Kumikilos ito pakanlurang bahagi ng Philippine Sea na may maximum sustained winds na 55 kilometers per hour (km/h) at may pagbugso na 70 km/h.
Wala namang iniulat ng pagtatakda ng mga alert level ngayong Linggo ng hapon ngunit magdadala ng pag-ulan sa bahagi ng Mindanao regions partikular sa Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, at Caraga ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Chriz Perez.
Inaasahan na ang bagyong Dante ay lalapit sa kalupaan sa darating na Miyerkules, Hunyo 2, na may 365 km silangang bahagi ng Virac, Catanduanes sa central-eastern part ng bansa. #DM
0 comments on “BAGYONG DANTE PASOK NA SA PAR, TINUTUMBOK ANG SILANGANG MINDANAO – PAGASA”