Derek-Ellen, Julia-Gerald pinag tripan sa social media
Pinulutan sa social media ang mga letrato ng dalawang celebrity couple na Derek-Ellen at Gerald-Julia.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Unang napag-tripan ng mga netizen ay ‘yong picture kung saan nagwo-workout together sina Derek at Ellen. Kung ano-ano’ng meme ang lumabas tungkol sa sweet photos ng magkasingahan habang sabay na nagyo-yoga.
Pero nadagdagan pa iyan nang makita ng mga netizen ang mga letrato naman nila Julia Barretto at Gerald Anderson na nagwo-workout din.
Pero tila mas ayaw tantanan ng marami sina Derek dahil mas maraming workout photos ang dalawa at mayroon pang naka-balance lift si Ellen kay Derek habang magkadikit ang kanilang mga labi.
How sweet! “Waiting for the next episode” hirit pa ng isang netizen.
Mayroon ding comment na nagsabing “the couple that works out together, stays together.”
Ngunit lahat ng mga banat ng mga netizen ay tila may iba pang kahulugan dahil puro laugh emojis ang kasunod ng kanilang comments. #DM
You must be logged in to post a comment.