
Natupok ng apoy ang ilang tindahan sa Starmall shopping center sa Shaw Boulevard Mandaluyong City kaninang umaga, Miyerkules (June 02).
Napag-alaman ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ang sunog ay naganap kaninang alas 6:00 a.m ng umaga at umabot ito sa first alarm na agad naman itong naagapan.
Ayon sa pag-uulat, ang nasabing sunog ay nasa bahagi ng parking area ng nasabing mall kung saan ang mga nasunog dito ay ang pamilihang tiangge sa nasabing mall.
Naapula ang sunog kaninang alas 6:50 a.m ng umaga.
Ayon pa sa BFP na hindi naman napinsala ang structure ng mall.
Kasalukyang sinisiyasat pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog sa nasabing mall. #DM
0 comments on “TIANGGE SA STARMALL MANDALUYONG, NASUNOG”