Sinisi ni Sen. Manny Pacquiao si Energy Secretary Alfonso Cusi dahil sa mga brownouts na nararansan sakabila ng katiyakan na hindi raw magkakaroon ng power outages sa panahon ng dry season.

“Kung ako ang ano eh, eh palitan kita, maraming deserving na mamumuno dyan,” saad ni Pacquiao nang siya ay tanungin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kung ano nga ba ang dapat gawin ni Pacquiao kay Cusi kung sakaling siya ang nakaupong Pangulo.
Bago pa man umusbong ang usaping ito, sinupalpal ni Pacquiao na mas binibigyang prayoridad ni Cusi ang usaping pulitika kaysa unahin ang mga usaping pang bayan gaya sa kuryente.
Matapos ang talumpati ni Pacquiao, muling nagbitaw ng salita si Drilon ukol kung sino nga ba ang dapat panagutin sa usaping suplay ng kuryente.
“Ang nagkulang talaga dito ‘yung Secretary. Ang Secretary talaga, Si Secretary Cusi dahil ikaw ang Secretary ng Department ng Energy,’’ ani Pacquiao.
“Ikaw talaga ang may problema kasi you can exercise your power to solve the problem. Ikaw ang may command responsibility for this problem…” dagdag ni Pacquiao.
Muling diniin ni Pacquiao na dapat mapanagot sa usaping ito si Cusi dahil siya rin ang nagkusa kay Pangulong Duterte na pangalagaan ang sinumpaan nitong tungkulin.
Sa pagkakataong ito, muling sinabi ni Drilon na kung kailangan na nga bang mag-resign ni Cusi. Hindi naman ito direktang sinagot ni Pacquiao. Subalit nagbigay ng pahayag si Pacquiao na kung sa ibang bansa ang mga opisyal ay nagkukusang magbitiw sa kanilang kinauupuan kung hindi naman nila nagagampanan ang kanilang responsibilidad.
Ayon pa kay Pacquiao na desisyon pa rin ni Pangulong Duterte kung pananatilihin si Cusi sa kanyang posisyon.
“It’s the prerogative of the President if tanggalin s’ya or bigyan s’ya ng chance…” ani Pacquiao.
Si Pacquiao ay ang acting president ng partidong PDP-Laban na iniluklok ni Pangulong Rodrigo Duterte habang si Cusi naman ang umuupo bilang vice-chairman ng PDP-Laban. #DM
- Jeric Gonzales, dinelete ang mga post sa kanyang IG account
- DTI, PS-DBM sign Data Sharing Agreement to link Business Name Registration System and PhilGEPS
- 24 Davao Region MSMEs rake in over Php5-M in HNFF
- Over 20 food MSMEs in MIMAROPA to benefit from accelerated food processing and registration program
- MIMAROPA MSMEs generate P30 M in National Food Fair, hits record high sales since the COVID-19 pandemic
0 comments on “‘Kung ako ang ano eh, eh palitan kita’ – Pacquiao kay Cusi”